|
Chris
-
Dalawang oras ka nang nakatitig sa
blankong papel. Hindi pala madaling simulan ang
isang artikulong tungkol sa wakas.
Saan ka nga ba maaaring magsimula?
Sa simula? Naaalala mo pa ba ang simula?
Hindi na. Gaano man kahiwaga, ang simula ay
nalilimot, nawawalan ng saysay dahil sa napipintong
katapusan. Makabubuti lamang ang pag-uungkat
sa nakaraan kung may bukas na yayapos sa iyo
upang pawiin ang pangamba. Dahil kung wala, ang
tanging magagawa ng simula ay ipaalala ang simula
ng wakas.
Simulan mo kaya sa dahilan? Hindi rin pwede.
Ang pinanghahawakan mo lang ay ang sino, ano,
saan at kailan. Sadyang mailap ang bakit; may mga
bagay na habang pilit iniintindi ay lalong nagiging
mahirap maunawaan. O baka naman nasa
harap mo na ang sagot. Ayaw mo lang itong
paniwalaan kaya’t pilit mong isinasantabi ang tanong na
bumabagabag sa iyo. Hindi mo masisisi ang iyong sarili.
Mahirap tanggapin na ang mga katotohanang
nagpasaya sa mga araw mo ay maglalaho.
Kung gayon, bakit hindi mo simulan sa ulan?
Sa ulang hindi mo naman hiniling at dumating
sa panahong hindi mo inaasahan. Sa ulang
nagpakita sa iyong maaari kang tumingala sa langit at
tumayo sa gitna ng kalsada, habang
nilulunod ng mga patak ng tubig ang iyong kasuotan at
mga gamit.
Tama. Sa ulan. Binago ka ng ulan.
Itinuro sa iyo ng ulan na ang mga tao sa
buhay mo ay darating at aalis kung kailan nila gusto.
Wala kang magagawa. Hindi mo sila mapipilit na
manatili. Hindi mo sila mapipigilang lumisan.
Titila ang bawat ulan. Hindi nito sasabihin
kung kailan, pero mararamdaman mo ang
paglumanay ng hangin at ang paghawi ng mga ulap.
Ang maiiwan ay ikaw… at isang puwang.
Ang pangungulila ay hindi nag-uugat sa
paglisan, kundi sa pamamaalam.
Ang isang taong pinahahalagahan
mo ay maaaring magpaalam nang
hindi umaalis, subalit maaari rin siyang
umalis nang hindi nagpapaalam.
Paunti-unti. Dahan-dahan.
Patuloy ang pagtakbo ng buhay sa kanya,
habang sa iyo, dumarating sa bawat araw ang
kapiraso ng wakas.
Minsan tuloy, naiisip mong mas maigi pang
matapos na lang ang lahat sa simula.
Nang sa gayon,walang pinagkatagu-tagong
text message na kailangang
burahin, walang mga sandaling
dapat ibaon sa limot at walang puwang na
palalalimin ng pangungulila.
Nakakapagod maghintay kung kailan muling
mapupunan ang puwang na tanging ikaw
ang nakadarama. Mas madali itong pag-ipunan
ng galit at pagkamuhi.
Pero hindi mo gagawin iyon. Hahayaan mo
lang na dumaloy sa iyong pisngi ang mga luha at
kahuli-hulihang patak ng ulan. Alinman ang unang
maubos, ikaw ay patuloy na tatayo sa gitna ng daan.
Maghihintay. Aasa.
Dahil kahit maging balewala ka na sa isang
tao, mananatili siyang importante sa iyo…
-
All, everything that I understand, I understand only because I love.
Leo Tolstoy
-
I am not bound to win, but I am bound to be true. I am not bound to succeed, but I am bound to live by the light that I have. I must stand with anybody that stands right, and stand with him while he is right, and part with him when he goes wrong.
Abraham Lincoln
-
hate me more, as i hate myself….
-
SAD
-
masarap balikan ang nakaraaan, but still ang nakaraan ay nakaraan na” :)
-
R.I.P Tito GURENG May 11, 2010, After the Election..
Nakakagulat lang, kase iniiwasan ko lagi siya when nakikita ko sya, Sorry.. nakakahiya kase to fail them sa board exam, pero sila ni tita riza nag pupush pa din sa akin na to try, ayun pag nakikita ko siya iniiwasan ko lang si tito gureng, :| nakakaguilt lang kase hindi kami nakakapagkwentuhan ng madalas kase nga umiiwas ako,
Well nakikita ko sya na sobrang haggard, tapos nagtataka lang ako this past 2 weeks, lagi na siya sumisilip sa harap ng bahay namin to check us, kahit tinatahulan sia ng mga aso andun pa din sia, ayun na pala yun.. siguro may nararamdaman na din sia nun, hindi kase biro work nila, watching their tagabuhat ng mga basyo ng beer at softdrinks, from 7am to 10 pm or 11 pm gising pa sila.
siguro sign lang to na we must check each other out, i havent cry kase one of us must be strong hindi naman pwede lahat diba..
hindi ako masyado nakatulog kase shockd pa din ako sa nangyari, pero ngayon mejo nafefeel ko na wala na talaga siya.
Well, He is a SUPER JOLLY person, opposite ni papa, Sa sobrang strict ni Papa sya ung mabait at Palabiro, Maloko parang ganun, kaya hindi ko akalain talaga siya ung mawawala kase masayahing tao si tito Gureng and Pilyo. ayun Rest in peace tito.
godbless.
“Everything in life is temporary, because everything changes. That’s why it takes great courage to love, knowing it might end anytime but having the faith it will last forever.”
-
May 10 , 2010
First Automated Election of the Philippines
This is for me an Emotional Election, Rather than Picking the correct platform for us.
but still hopeful for the 3M for gibo, 3M people for change not bad.
-
I THINK THEREFORE I AM FOR GIBO” - IKAW NAG IISIP KA BA?, MAG ISIP KA!
-
Give me a word
Give me a sign
Show me where to look
Tell me what will I find
What will I find?
Lay me on the ground
Fly me in the sky
Show me where to look
Tell me what will I find
What will I find?
|
|
Navigation
» Archive
» Random
» RSS
About
Following
Credits
Design by: NickAstig
Base theme: Sarah Mogin
Powered by: Tumblr
|